Maliban sa magandang benepisyo na maidudulot ng mountaineering sa kalusugan ng tao isa rin sa dahilan kung bakit ito sinusubukan ng marami sa atin ay dahil sa magandang tanawin na makikita sa dulo ng trail.
Sa kabila ng magandang karanasan na naibibigay ng ganitong aktibidad tila nakalilimot ang karamihan sa responsibilidad na kaagapay sa pag-akyat ng bundok.
Taong 2014 sa isinagawang three-day clean-up drive 2.6 tonelada ng basura tulad ng balat ng candy, cellophane, basyo ng plastic water bottles, maging sanitary napkins at upos ng sigarilyo ang nakolekta sa Mt. Apo.
Dulot ito ng mga iresponsableng mountain climbers na syang sumisira sa kagandahan ng pinakamataas na bundok sa Pilipinas na matatagpuan sa Mindanao.