Iginiit ni film development council of the Philippines Chair Liza Diño sa presscon ng PPP na wala silang bibigyan ng acting awards sa awards night.
Pero nang magkaroon ng MOA signing ang FDCP, National Commission on Culture and Arts (NCAA), National Youth Commission (NYC), at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), may pagbabago sa rules ng PPP.
Hindi na lang audience choice awards ang ibibigay sa three films, may best actor at best actress category na rin. Dagdag na incentive ito sa mga artistang makakasama sa cast ng 10 movies.
Sa Agosto 16-22 na ang pista ng pelikulang Pilipino at sa Agosto 15, ang simultaneous premiere night sa lahat ng rehiyon ng bansa. For seven days, puro pelikulang Pilipino ang ipalalabas sa buong bansa, walang foreign films at inaasahan nila na tatangkilikin ito ng moviegoers gaya ng pagsuporta nila sa CINEMALAYA, MMFF at iba pang film festival.