Tumanggap ng pagkilala mula sa National Customers’ Choice Annual Awards 2020 radio broadcasting industry ang host ng mga programang ‘Kantahan Na’ at ‘Ito ang Tahanan’ na si Magdalena Gesmundo-Estrada o mas kilala bilang Moodie Jam.
Si Moodie Jam ay bumilang na din ng ilang dekada sa broadcast industry.
Naging host sa iba’t-ibang programa sa AM at FM radio hanggang kinalaunan mas nakilala sa tawag na Moodie Jam.
At kamakailan ay iginawad sa kaniya ang ‘Media Achiever Award’ for radio broadcasting category ng NCCAA na ginanap sa Diamond Hotel, Makati City.
Abala si Moodie Jam hindi lamang sa pagho-host ng programa sa Radyo kundi ibinabahagi rin niya ang kaniyang talent sa pamamagitan ng pagsasagawa ng seminar workshop, training at nagpo-produce din ng concert bilang bahagi ng talent development.
Si Moodie Jam ay matagal ng namayagpag sa 95.5 Pinas FM nag-iwan ng marka ang programa ‘Mood’s Night Jamming’ na ang ang mga singer ng bansa ay tinatampok para sa live singing rendition.