Lubos naman na nagpapasalamat ang aktor na si RK Bagatsing dahil sa magagandang proyektong dumarating sa kaniyang career sa industriya.

At ngayon, parte si RK ng Pista ng Pelikulang Pilipino o PPP ng taong ito dahil bibida siya sa pelikulang “Cuddle Weather” at makaaksama niya dito si Sue Ramirez na mula sa direksyon ni Rod Mormol.

Ayon sa aktor, ito na talaga ang kaniyang pangarap simula pa nang siya ay bata pa at aminado siyang malaki ang naitulong sa kaniya ng kuya niyang si Raymond Bagatsing na naging inspirasyon din niya sa pagpasok niya sa show business.

Mapapanuod na ang sampung entries ng PPP sa buong Pilipinas simula sa Septyembre 13, 2019.

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.