Aliw na aliw na ngayon ang aktres na si Ms. Sylvia Sanchez sa kaniyang pagba-vlog.

At marami nang nanonood ng kaniyang vlogs ni dahil sa ngayon ay mayroon na siyang mahigit sa 32,000 subscribers.

Karaniwan daw na bina-vlog ni Ms. Sylvia ay may kinalaman sa naging buhay niya noon at ang mga bagay na malalapit sa kaniya.

Nagagamit din umano niya ang pagba-vlog sa promotion na kaniyang mga bagong proyekto at endorsement. Sa ngayon, mayroon na siyang labing-pitong upload videos.

Ipinahayag din ng premyadong aktres ang kanyang kasiyahan sa patuloy na pagganda ng showbiz career ng mga anak niyang sina Arjo at Ria Atayde. At sa ngayon pa na nakakuha na naman ng award si Arjo sa katatapos kamang na PMPC Star Awards for Television.

Lubos ang pagpapasalamat ng aktress sa patuloy na pagtangkilik sa kaniya ng kaniyang mga taga-suporta sa industriya.

 

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.