Naging kaabang-abang sa mga fans ang isinagawang announcement ng pamunuan ng PhilPop sa Top 10 Finalist na mga artists, composers gayundin ang mga song interpreter at naging mainit din ang gabi ng mga nakasaksi sa announcement.
Eksakto alas-diyes ng gabi isinagawa ang main event of the evening na pinakaaabang-abang ng mga fans.
Dito inanunsyo ang nakapasok sa Top 10 finalist ng PhilPop.
Itinuturing naman itong achievement ni Kakay dahil sa nabigyan sya ng chance na ipakita ang talento sa pagkanta hindi lamang sa pag arte lalo na sa comedy.
Ayon sa Pamunuan ng PhilPop, tila naging mahirap anila ang kanilang naging pagpili dahil halos lahat ng sumali ay maganda ang naging final product kaya maski sila ay naging masaya din sa naging resulta ng kanilang pagpili.
Ang PhilPop ay isang Advocate na layong itaguyod ang Original Pilipino Music o OPM.
Layon nila na mas lalo pang maipromote ang OPM sa mga Pinoy gayundin sa ibat iba pang panig ng mundo.