Sa pagbisita ng actor na si Martin Escudero sa Pinas FM 95.5. Ibinalita niya ang tungkol sa kaniyang bagong pelikula na “Ang Misyon: A Marawi Siege Story”
Dito ay nais umanong ipakita ng pelikula ang tunay na nangyari sa Marawi at ang karamihan dito ay hindi naipakita ng media.
Umiikot ang kuwento sa mundo ng isang registered nurse na si Sajid Tumawil na ginagampanan ni Martin na nasadlak sa isang kaguluhan imbes na manilbihan bilang isang simpleng nurse sa mga kababayang maysakit. Sa kabila nito, matutuklasan ng militar na siya ay kabilang sa mga extremist na grupo ng Maute Islamiyah na mayroong bipolar personality.
Inaral umano ni Martin ang kanyang role kaya naman nagampanan niya itong mabuti.
Ngayong buwan ay ginugunita ng buong Pilipinas ang ika-isang taong anibersaryo ng Marawi Siege at hanggang sa kasalukuyan ay tuloy-tuloy pa rin ang martial law sa buong Mindanao na idineklara ng Pangulong Duterte.
Kasama rin ni Martin Escudero sa pelikula sina Rez Cortez, Lou Veloso, Tanya Gomez, Darius Razon at China Roces.