Overwhelmed ang pakiramdam ni Xian Lim sa pagkapasok niya sa cinemalaya independent film festival 2019. ….isa sa prestihoyoso at kinikilalang film festival ng industriya ng pelikulang pilipino sa bansa.

Ang kaniyang pelikula na “Tabon” ay pinagbibidahan nina Christopher Roxas at Yna Asistio.

Sa panayam ng actress at host ng celebrity talk show na mMOMents na si Gladys Reyes, inilahad ni xian ang kaba at pressure na kaniyang naramdaman habang ginagawa ang kaniyang pelikula.

Bukod kasi sa pagiging direktor, si Xian din mismo ang sumulat ng script ng naturang pelikula.

Nagbukas ang Cinemalaya Film Fest 2019 nuong Biyernes, August 2 at magtatapos ng August 13, araw ng Miyerkules, samantala, ginanap naman ang awards night nito nuong Linggo, August 11 sa main theater ng Cultural Center of the Philippines o CCP.

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.