Dinumog ng napakaraming tao ang naging closing ceremony ng 30th South East Asian o SEA Games na ginanap sa New Clark City Sports Stadium kagabi.

Sinimulan ito ng dance performances mula sa mga kababayan nating aeta at ng The Manila Concert Choir na sinundan ng parada mga atleta at team officials mula sa labing-isang bansang kalahok.

Nagbigay ng performances sa pamamagitan ng mini-concert sina Arnel Pineda at sa huling bahagi naman ang performance ng Black Eyed Peas na dito din ay ipinakilala rin nila ang kanilang bagong miyembro na si Jessica Reynoso.

Ito rin ang kauna-unahang pagsabak ni Reynoso sa pagtatanghal ng grupo. Pinalitan ni Reynoso ang dating miyembro ng grupo na si Fergie.

Kapansin pansin na nakasuot ang mga ito ng semi- formal wear na gawa sa local fabrics ng Pilipinas.

Organisado ang ginanap na program.

Napahanga naman ang marami sa drone show na highlight ang iba’t-ibang emoticons at simbolo ng SEA Games 2019.

Ipinasilip din ang music video ng ‘Who We Are’ na inawit ni Sarah Geronimo bilang tribute sa mga volunteers at workforce ng SEA Games.

Napakasaya ng mga atleta hindi lamang dahil napabilang sila sa isang malaki at prestihiyosong sports competition sa mundo kundi nakapagbigay pa sila ng karangalan sa kanilang bansa.

Maging ang mga atleta mula sa ibang bansa ay hanga din sa pagho-host ng Pilipinas sa SEA Games. Mixed- emotions din ang naramdaman nila sa pagtatapos ng palaro.

Kasama din sa programa ang turn over ceremony, ipinasa na ng Pilipinas sa bansang Vietnam ang bandila ng SEA Games bilang host country sa SEA Games 2021.

Isa namang magarbong performances ang inihandog ng mga Vietnamese artists suot ang kanilang national costume. Ipinakita din nila ang iba’t-ibang tourism spots sa kanilang bansa.

Tinapos ang unang programa ng SEA Games sa pamamagitan ng makulay na fireworks display.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.