Agaw eksena ang asong si ’Milo’ sa red carpet premiere ng pelikulang ‘Unforgettable’.

Ang Jack Russell Terrier Dog na si ‘Milo’ kasi ang leading partner ng popstar royalty na si Sarah Geronimo sa pelikula kaya kahit ipinagbabawal man na pumasok sa sinehan ang mga alagang hayop ay pinayagan ito.

Ayon sa produksyon ng pelikula, nagkaroon din ng sariling bonding moments sina Sarah at Milo bago inumpisahan ang shooting ng nasabing pelikula. Masaya rin ang Popstar Princess dahil hindi niya kailangang dumepende sa isang leading man sa pelikulang ito.

Kasama din sa pelikula sina ara mina, Gina Pareño, Tirso Cruz III, Kim Molina, Yayo Aguila at marami pang iba. Ang director ng pelikula ay sina Jun Robles Lana at Perci Intalan.
Sumuporta naman sa at dumating din sa premiere screening sina Ryza Cenon, Ella Cruz, Janine Teñoso at Jerald Napoles.

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.