Nalalapit sa tunay na buhay ni Kyline Alcantara ang bago niyang pelikula na “Black Lipstick”.
Biktima ng bullying kasi ang teen star noong bata pa siya at wala pa siya sa showbiz.
Ang “Black Lipstick” ay umiikot kwento ng isang millennial na biktima ng pambu-bully mula sa kanyang mga classmate dahil sa itsura at kapintasan ng kaniyang balat.
Ang rason naman ng pambu-bully kay Kyline ay tungkol sa pagkakaroon niya ng isang broken family.
Subalit sa pagkakataong ito at napakasaya ni Kyline sa pagkakabuong muli ng kanyang family.
Sa halip na manghina ginamit umano ito ni Kyline na inspirasyon at dahilan upang magpursige sa buhay.
Para kay Kyline walang mabuting maidudulot ang bullying. Ginawa ni Kyline ang “Black Lipstick” at inihahandog niya umano ito sa mga gaya niyang millennial na dumanas ng bullying.
Ito ang ang millennial version ng Blusang Itim nuong taong 1986 na naging blockbuster movie nuon ni Snooky Serna.
Nakasama niya sa pelikula sina Migo Adecer at Manolo Pedrosa. Mapapanuod na ang ‘Black Lipstick’ sa mga sinehan nationwide simula sa Oct. 9, 2019.