Overwhelmed at napakasaya umano ang nararamdaman ng teen actress and singer na si Kyline Alcantara.

ito ay dahil sa maiinit na pagtanggap ng publiko sa kaniyang pelikula na ‘Black Lipstick’.

Kaya todo ang pasasalamat ni kyline sa kanyang fanbase na may pangalang sunflowers dahil sa patuloy na pagmamahal ng mga ito sa kaniya at pagsuporta sa kaniyang mga ginagawa.

Ang kanyang pelikula na Black Lipstick ay tumutukoy sa isang babaeng nakakuha ng isang uri ng lipstick at sa tuwing ginagamit niya ito ay nawawala ang kaniyang kapintasan sa balat. matutunghayan dito ang hindi mabuting epekto ng bullying na kalimitang nagaganap sa mga paaralan.

Kasama din sa pelikula sina Manolo Pedrosa, kate valdez, migo adecer, Chesca Salcedo, James Teng, Nella Dizon, Angel Guardian, Angelie Sanoy at marami pang iba.

Namataan din sa naturang Red Carper Premiere na sumusuporta sina Rayver Cruz, Gabbi Garcia, Kuh Ledesma, Rocco Nacino at marami pang iba.

Showing pa din ang ‘Black Lipstick’ sa selected cinemas nationwide.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.