Pagpasok pa lang ng 2019 may mga insidente na ng sunog ang naganap naging abala ang mga bumbero ng Bureau of Fire Protection at maging ang mga volunteer firefighters na pawang napasabak sa pagresponde sa mga sunog.
Sa kabila ng walang humpay na paalala ng gobyerno sa pamamagitan ng BFP na mag-ingat para makaiwas sa sunog. Maraming ari-arian ang napinsala, marami rin ang nasugatan at ang nakakalungkot marami rin ang nasawi sa sunog.
Sa buwang ito na tinaguriang Fire Prevention Month. Akmang-akma ang tema na “Ligtas na Pilipinas Ating Kamtin, Bawat Pamilya ay Sanayin, Kaalaman sa Sunog ay Palawakin.” At upang lalo pa tayong magkaroon ng tamang kaalaman makakasama natin ang hepe ng BFP-National Capital Region.