Ilan sa mga naging guest performer ng isinagawang Lingap Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo sa Philippine Arena ay sina Basil Valdez, Lilet, Vina Morales, Pilita Corrales at Angeline Quinto.

Kitang kita naman ang kasiyahan sa lahat ng mga dumalo sa nasabing aktibidad at sumasabay pa sa mga awiting handog ng mga OPM artist.

Lubos naman ang pagpapasalamat ng mga naging guest performer ng Lingap Pamamahayagdahil napabilang sila sa mga ganitong aktibidad ng Iglesia Ni Cristo.

Ang isa namang miyembro ng Iglesia Ni Cristo na si Kristel Fulgar ay masaya umano ang kaniyang damdamin na nakakapagperform siya at nagagamit niya ang kaniyang talento sa mga aktibidad ng Iglesia.

Hangad nila na muling maimbitahan sa mga ganitong uri na aktibidad ng Iglesia.

Layunin ng nasabing aktibidad na maibahagi sa mga tao ang sinasampalatayang aral sa loob ng Iglesia Ni Cristo. Gayundin din ang pagbibigay ng tulong sa lahat ng mga naging panauhin sa pamamagitan ng pagbabahagi ng goodie bags.

Isinagawa din ang Lingap Pamamahayag na ito upang gunitain ang ika-isangdaan at tatlumpu’t tatlong taong taong kapanganakan ng Kapatid na Felix Y. Manalo, ang kinikilalang sugo ng Diyos sa mga huling araw ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.