Nagpapasalamat ang aktor na si Joem Bascon dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon na siya ng kanyang debut bilang leading man sa isang mainstream movie.
Sa pelikulang handog ng Regal Entertainment, makakasama at makakatambal ni Joem dito ang primera aktres na si Lovi Poe. Kasama rin sa pelikula ang Miss World Philippines 2018 na si Laura Lehman at mula sa direksyon ni Macarthur Alejandre.
Happy at inspired din umano si Joem dahil sa mga huling buwan ng taon ay humahataw ang kanyang career.
Meron syang C1 Originals movie at may dalawang MMFF entries.
Mapapanuod na ang kanyang pelikula simula ngayong Miyerkules, November 13 sa mga sinehan nationwide.