Kumpleto na ang listahan ng official entries para sa Metro Manila Film Festival o MMFF 2019.
Inanunsyo ng MMFF selection committee sa pangunguna ni Metro Manila Development Authority chairperson Danilo Lim ang karagdagang apat na pelikula na kumumpleto sa line – up.
Nauna nang inanunyo nuon ang apat na pelikulang kalahaok sa magic 8 sa pamamagitan ng screenplay category.
Una na dito ay ang Filipino remake ng ‘Miracle In Cell No. 7’ ng Viva Films at pagbibidahan nina Aga Muhlach, Bela Padilla at Xia Vigor.
Ikalawa naman ang Mission Unstapabol: The Don Identity ng APT Entertainment at M-ZET Production na pinangungunahan nina Vic Sotto, Maine Mendoza at Jake Cuenca.
Ikatlo ang pelikulang ‘Sunod’ ng Ten17 productions na pinagbibidahan naman ni Carmina Villaroel, ika-apat ang ‘The Mall, The Merrier’ ng Star Cinema at Viva Films na pinangungunahan ni Vice Ganda at Anne Curtis.
At sa pamamagitan naman ng finished film category ay nakumpleto na ang walong pelikula ng MMFF 2019.
Ikalima sa listahan ang pelikulang ‘Mindanao’ ng Center Stage Productions na pinagbibidahan nina Judy Anne Santos at Allen Dizon.
Ika-anim ang 3pol Trobol Huli Ka Balbon mula sa CCM Film Productions at pinagbibidahan nina Coco Martin, Jennylyn Mercado at Ai-ai Delas Alas.
Ika-pito ang ‘Culion’ ng iOptions Ventures na bumibida naman sina Iza Calzado, Meryll Soriano at Jasmine Curtis-Smith at panghuli ang ‘Write About Love’ ng TBA Studios na pinagbibidahan nina Miles Ocampo, Rocco Nacino, Yeng Constantino at Joem Bascon.
Labis naman ang kasiyahan ng mga artista na nakapasok sa taunan at prestihiyosong film festival ng bansa.
Ang MMFF ay isang annual film festival na nagsimula noong 1975 kung saan walang foreign movie ang ipinalalabas sa mga sinehan sa Metro Manila hanggang napalawig na sa buong bansa.
Tumatakbo ito sa loob ng dalawang linggo mula December 25.