Dalawang malaki at major international pageant ang inaabangan ngayon sa buong mundo. ito ay ang 68th edition ng Miss Universe na gaganapin sa December 8 sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia sa United States of america.

Kung saan lalaban dito ang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados. At ang isa naman ay ang ‘Miss World’ na gaganapin naman sa December 14, 2019 sa the ExCeL London sa United Kingdom.

Naniniwala naman ang 2016 Miss Universe Philippines na si Maxine Medina na malaki ang tsansa ni Gazini na maiuwi nito ang korona at makakuha ang Pilipinas ng back-to-back win.

Para naman sa multi-awarded actress at kay 1969 Miss Universe Gloria Diaz, nuon pa lamang na naging isa siya sa judges ng Binibining Pilipinas ay nagstand-out na sa kanya si Gazini. Hindi lamang si Gazini ang inaasahan ng Reina Hispano-Americana 2017 at actress na si Winwyn Marquez ang makakapag-uwi ng korona.

Maging si Michelle Dee din na siyang pambato rin ng ating bansa sa Miss World 2019. Nagpahayag din ng suporta at nagbigay ng goodluck wish si Michelle kay Gazini sa pamamagitan ng post nito sa kaniyang twitter account.

Samantala bibida rin ang tatlong beauty queen na sina Gloria, Maxine at Winwyn sa isang online movie series ng iWant originals na may titulong ‘Beauty Queens’ at mula sa direksyon ni Joel Lamangan. Makakasama nina dito sina Maris Racal, Nella Dizon, Albie Casiño, Shido Roxas, Marcus Madrigal at marami pang iba.

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.