Ginanap noong Disyembre 2 sa Manila Hotel ang kauna-unahang Noble Queen of the Universe.
Dito pinarangalan ang mga natatanging kababaihan na nasa entertainment industry at ilan sa kanila ay sina Ara Mina, Sanya Lopez, Pokwang at Gladys Reyes-Sommereux.
Kinilala sila dahil sa kanilang natatanging kontribusyon sa industriya na kanilang ginagalawan. gayundin sa pagpo-promote ng women empowerment.
At ang pinakatampok ng gabing iyon ay ang labing-walong mga maybahay na kandidata mula sa iba’t ibang rehiyon at panig ng mundo.
Nagsimula ang advoacy pageant sa pagrampa ng mga candidates suot ang kanilang kani-kanilang national costumes, sinundan naman ito ng casual wear at ang pinakahuli ay ang evening long gown.
Tinanghal na 2nd runner up bilang Noble Queen si ‘Mrs. Korea-Sylvia Kim’, 1st-runner up naman si ‘Mrs. Guam-Ritchell Catt’, samantalang tinanghal naman na Mrs. Noble Queen-Earth si ‘Mrs. West Coast, USA-Jill Chapman’, Noble Queen-Globe si ‘Mrs. Australia-Beau Singson’, Noble Queen-Tourism si ‘Mrs. Russia-Anna Rabtsun Baylosis’, Noble Queen-International naman si ‘Mrs. Philippine-Bicol Region-Maffi Papin-Carreon’ at ang itinanghal na Noble Queen of the Universe ay si ‘Mrs. Philippine-Luzon’ na si Ms. Patricia Javier.
Sobrang saya at hindi makapaniwala na siya ang ang makakakuha ng korona. Iniaalay umano niya ito sa kaniyang pamilya at mga taga-suporta.
Para kina Mrs. Russia at Mrs. Australia, hindi matatapos sa kanilang titulo ang pagtulong sa mga nangangailangan, ipagpapatuloy umano nila ang kanilang adbokasiya na pangunahing layunin ng naturang international pageant.
Suportado naman ng singer at Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin ang laban at karera ng kaniyang anak na si Maffi Papin-Carreon.
Layunin ng advocacy pageant na ito na i-promote ang women empowerment at pangunahing tampok dito ay mga kababaihang maybahay at ina na maunlad na itinataguyod ang kaniyang pamilya at may kontribusyon din sa komunidad na kaniyang ginagalawan.