Naghahanda na para sa kaniyang pagbabalik concert stage ang isa sa mga tinaguriang Jukebox Queen ng Pilipinas at “Sentimental Songstress” na si Ms. Imelda Papin.
Handog niya ito sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta simula pa lang na siya ay magsimula sa Philippine music industry.
Ito na din ay bilang pagdiriwang sa kaniyang ika-apatnapung limang anibersaryo industriya, kaya ang kaniyang concert pinamagatang ‘Queen @45’.
Sa naturang concert umano ay hindi lamang ang pagtatagumpay niya sa Philippine music industry ang maha-highlight maging ang kaniyang success sa international scene tulad ng USA, lalo na sa Las Vegas na kung saan ay nakipagsabayan siya kina Melissa Manchester, Neil Sedaka, at Paul Anka.
Ilan sa mga naipakilala at talaga namang naging awit ng bawat Pilipino noon ni Imelda at ang ‘Isang Linggong Pag-ibig’, ‘Bakit Ikaw Pa’, ‘Hindi Ako Laruan’, ‘Taksil’, ‘Bakit (Kung Liligaya Ka Sa Piling Ng Iba’ at marami pang iba.
Kabilang sa mga special guest ng jukebox queen ay sina Andrew E., April Boy Regino, Claire Dela Fuente, Eva Eugenio, Darius Razon, Jovit Baldovino, Marco Sison, Pilita Corrales, Sonny Parsons ng Hagibis band at Victor Wood.
Makakasama din ni Imelda sa kaniyang concert ang kaniyang mga kapatid na sina Gloria at Aileen Papin. Gayundin ang kaniyang anak na si Mappi Maffin na ngayon ay nakabase na sa America kasama ang pamilya nito. Kasama din sa concert ang malalapit niyang mga kaibigan na sina Garry Cruz at LA Santos na isang millenial artist.
Nagpapasalamat naman ang batang singer na si LA dahil sa pagtitiwala ng jukebox queen na i-revive niya at bigyan ng bagong atake ang hitsong ni imelda na ‘Isang Linggong Pag-ibig’.
Sa October 26 na ang concert ni Imelda at gaganapin ito sa Philippine Arena na totoo umanong nasasabik na siya dahil ayon sa kaniya almost sold out na ang tickets.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang beterenang singer sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kaniyang magpahanggang sa kasalukuyan.