Naging matagumpay ang isinagawang re-launching concert ng 95.5 Pinas FM na pinamagatang ‘The Switch’ na ginanap kahapon.
Dinumog ito ng maraming listeners ng Pinas FM na maaga pa lamang ay nasa venue na. Eksaktong alas dose ng tanghali ng magsimula ang naturang aktbidad na binuksan sa pamamagitang ng opening at welcome message mula sa President ng Eagle Broadcasting Corporation na si Ms. Rowena Dela Fuente-Deimoy na sinundan naman ng EBC Music Department head na si Mr. Ernie Magtuto.

Dito ay nagsama-sama ang maraming OPM artists at banda upang magbigay ng saya sa audience sa pamamagitan ng kanilang mga inihandang performances. Katulad ng mga bandang Kithara, BRWN, Better Days, Benj and The Collectives, Never The Strangers, Imago, Banda ni Kleggy, Kurei, Gracenote, Frio, at We Got. Gayundin ang mga OPM artists na sina Jay-R, Marija Debelic, Raffy Calicad, Selena Marie, Alex Bruce, Drei Raña, Syd Hartha at ang boy group na SB19.

Nagpaabot naman ng pasasalamat sa Pinas FM ang mga artists at mga banda na naging bahagi ng ‘The Switch’ concert.

Naghandog din ng kanilang performances ang mga DJ’s ng Pinas FM na sina Rapido, Aikee kasama si DJ Ella.

Sa pagbabalik ng mga DJ’s sa Pinas FM, asahan umano ang mas masaya at makukulit pang eksena sa radyo hindi lamang on-air maging sa online na din.

Ang 95.5 Pinas FM ay ang FM radio station ng Eagle Broadcasting Corporation (EBC) na nagtataguyod at sumusuporta sa Original Pinoy Music sa pamamagitan ng isang-daang porsiyento nitong pagpapatugtog ng OPM.

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.