Ang pagiging isang guro ay isang propesyon na kailangan ng determinasyon, dedikasyon at sakripisyo. Ito ang ipinakikita ng pelikulang “Tell Me Your Dreams” na pinagbibidahan ni Aiko Melendez. Matutunghayan din sa pelikula na hindi hadlang ang kahirapan para magtagumpay.
Inilalarawan ng nasabing pelikula ang values formation ng mga bata, ang karapatan nila sa tamang edukasyon, pagbibigay importansiya sa mga katutubo, at ang hindi mapantayang dedikasyon ng mga guro sa kanilang pagtuturo.
Sa magandang bulubunduking lugar ng Tarlac ang setting ng pelikula, kung saan ipinakita ang napakahabang nilalakad paakyat, pababa, at ang patag na bundok, Mayroon ding mga ilog na napakalinaw. Gagampanan ni Aiko ang isang guro na nagtuturo sa aeta community.
Noong isang buwan, nagkaroon ito ng special screening sa Hoops Dome Arena sa Cebu na nagtungo roon ng personal si Aiko. Umapaw ang tao sa Hoops Dome na umabot ng humigit kumulang sa 5,000 ang dami kaya naman mas lalo pang nagkaroon ng panannabik si Aiko na mapanuod ito ng maraming Pilipino.
Ang makabuluhang pelikulang ito ay idinirehe ni Anthony Hernandez na kilala bilang advocacy director at mula sa Golden Tiger Films. Mapapanood na sa mga piling sinehan sa bansa simula sa December 5. iikot din ang pelikula sa iba’t-ibang eskwelahan sa bana.
Plano din na ipasok at isali ang pelikula sa Orange Film Festival sa Turkey bilang entry ng bansa.