Inspirado sa tunay na buhay at mga pangyayari ang pelikulang pinamumunuan ni JR Olinares sa pakikipagtulungan ng Oversea’s Workers Welfare Administration o OWWA at mula sa direksyon si Neal “Buboy” Tan.
May titulo itong “OFW: The Movie” na tumatalakay sa matagumpay, nakakatuwa at inspirational journey ng lima nating mga kababayan na OFW. Isang housekeeper, domestic worker, caregiver, at dalawang skilled workers.
Bumubuo sa cast sina Sylvia Sanchez, Rafael Rosell, Christian Vasquez, Kakai Bautista at Dianne Medina.
Very positive ang pelikula. Layunin kasi ng pamunuan ng owwa na i-encourage ang mga manggagawang pinoy na mas lalo pang pagsumikapan na sa kanilang pagta-trabaho.
Makita nila ang kuwento na hindi kaawa-awa. Marami pa lang nagtatagumpay na mangagawang pinoy sa ibang bansa.
Dahil umano sa pagganap nila sa kanilang karakter bilang isang OFW. Marami anila silang realizations sa buhay.
Ilan pa sa support cast sina Uno Santiago at Dave Bornea, na may payo sa katulad nilang mga kabataan na ang kanilang magulang ay naghahanap-buhay sa ibang bansa.
Magkakaroon ng premiere screening ang “OFW: The Movie” sa June 8, 2019 sa SM Megamall sa ganap na alas-sais ng gabi.