Pagpapahalaga sa kalusugan ng mga kabataan at ang pagiging epektibo ng mga ito sa ating pamahalaan — ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit naisipang itatag ng isang malaking kompanya ang isang foundation.
Taong 2012 nang itinayo ang Unilab Foundation, Inc. Binubuo ito ng mga trustee at mga staff na siyang gumagawa ng mga programa para sa mga kabataang kanilang tinutulungan. Ang “play it forward”, “leadership journey”, “ideas positive”, at “project inclusion” ang ilan lamang sa mga programang ito.
Ang mga kabataan ang nagiging beneficiaries ng Unilab Foundation, Inc. Naniniwala ang organisasyong ito na nag-uumpisa sa mga maliliit ng bata ang pagtatagumpay ng isang komunidad sa pamamatnugot ng kani-kanilang mga magulang.
Ang Unilab Foundation ay nakikipagkaisa din sa mga programa ng gobyerno para sa mga kabataan at gayundin ang pakikipagpartnership ng mga ito sa mga iba pang non-government organization.
Sa kanilang adbokasiya binibigyan diin ng Unilab Foundation ang salitang “Healthier Philippines”.