Ang Istorya ng Pag-asa Film Festival o INPFF ay isang nationwide all-digital film competition para sa mga orihinal na short documentaries na nagpapakita ng mga extraordinary stories ng pangkaraniwang Pilipino ng pangunahing adhikain nito ay makapagbigay ng platform sa mga Filipino filmmakers na makalikha ng mga inspiring at true-to-life na mga pelikula.
Pinangungunahan ito ni Vice President Leni Robredo at ito ang pangatlong pagtakbo ng INPFF sa bansa.
Sa 2020 edition ng film festival, makakatanggap ng 100,000 ang tatanghaling best film.
Samantalang 50,000 pesos naman sa magiging first runner up habang makakatanggap naman ng 30,000 pesos ang magiging 2nd runner-up.
Tulong na din umano ito ng bise presidente sa mga Pinoy filmmakers. Naniniwala din ang pangalawang pangulo na talagang magagaling ang mga Pilipino sa paglikha ng mga pelikula.
Nais din umano niya na mas lalo pang palawakin ang naturang film festival kaya balak din ni VP Robredo na magtungo sa middle east para naman i-reach out ang mga kababayan nating OFWs doon at gawan ng documentary film.
Umaaasa naman ang bise presidente na lalo pang mai-inspire ang mga ordinaryong Pilipino ng mga istoryang itinampok nila sa naturang film festival maaari nang magsubmit ng entries ang nagnanais na lumahok hanggang sa Marso 27, 2020.