Ipinakilala na sa pamamagitan ng isang press launch ang napiling labingdalawang awitin.
Mula sa mahigit apat na libong (4,000) entries na nagmula sa mga kababayan natin sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas.
Bilang bahagi ng Himig Handog 2019 at finalists na maglalaban-laban para itanghal na best song sa pinakamalaking songwriting competition sa bansa.
Kakantahin ang mga orihinal na komposisyon na ito ng ilan sa mga magagaling at kinikilala music scene sa tradisyon ng Himig Handog.
Ngunit sa pagkakataong ito karamihan din sa interpreters ng mga kanta ang ibang songwriters na din ang mismong aawit.
Tulad nina Joan Da, Alekzandra at Davey Langit na sila mismo ang kakanta ng awiting kanilang ginawa.
Iba’t-iba din ang hugot at inspirasyon ng bawat songwriters sa kanilang ginawang mga kanta.
Ang mga interpreters naman sa himig handog entries tulad nina nina Janella Salvador, TJ Monterde, Vanya Castor, Janine Berdin ay nagpapasalamat sa pagtitiwala sa kanila na magbigay buhay sa mga awiting nilikha ng mga baguhang songwriters.
Nasa ika-sampung taon na ang Himig Handog sa industriya. Nagsimula ito noong taong 2000 hanggang 2003 at ibinalik muli pagkatapos ng isang dekada.
Patuloy ito sa pagdidiskubre ng local talents at pagsuporta sa OPM sa pagkakalap nito ng mga bagong awitin.
Kinkilala naman ng bawat interpreters na malaki ang tulong at ambag na nagagawa ng Himig Handog sa OPM.
Gaganapin ang finals night sa October 13.