Ipinakilala na ang walong opisyal na kalahok sa ikalawang taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino o PPP na isa sa mga proyekto ng Film Development Council of the Philippines o FDCP.
Pinangunahan ito ng Chairperson ng FDCP at Head ng PPP na si Ms. Liza Diño.
Isa na rito ay ang “Ang Babaeng Allergic Sa Wi-Fi” ni Direk Jun Robles Lana mula sa The IdeaFirst Company. Isang romantic comedy na pagbibidahan ni Sue Ramirez kasama sina Jameson Blake, Markus Patterson, Kiko Matos, at Yayo Aguila.
Sumunod naman ay ang “Bakwit Boys” ni Direk Jason Paul Laxamana para T-Rex Entertainment. Isang romantic- musical, bibida naman ditto sina, Devon Seron, Nikko Natividad, Ryle Santiago at Mackie Empuerto.
Ang Madilim na ang Gabi ni Adolfo Alix, Jr. ang entry naman ng Deux Lux Mea Films. Bida sa drama flim sina Gina Alajar, Phillip Salvador, Bembol Roco at Felix Roco.
Kwento naman ng isang barkada road trip ang “Pinay Beauty” ni Direk Jay Abello ang entry ng Quantum Films at Epic Media. bibida rito si Chai Fonacier kasama si Edgar Allan Guzman.
Ang “Signal Rock” ni Direk Chito Roño para sa Cape Signal Rock (CSR) Films PH, na ang bida naman ay si Christian Bables kasama sina Elora Espano, Mara Lopez at Francis Magundayao.
Magsisilbi naman reunion movie nina Bela Padilla at JC Santos. ang pelikula nila mula sa Viva Films at ikalawang entry ni Direk Jason Paul Laxamana.
“Unli Life” ni Direk Miko Livelo ang para sa Regal Entertainment. Isang comedy fantasy adventure na bida sina Vhong Navarro, Winwyn Marquez at Ejay Falcon.
At ang pelikulang “We Will Not Die Tonight” ni Direk Richard V. Somes para sa Strawdogs Studio Productions. Isang action drama, bida ditto sina Erich Gonzales, Alex Medina, Maxine Eigenmann at Paolo Paraiso.
Bukod dito, inianunsyo na rin ang kalahok sa Sine Kabataan Short Film Competition para sa mga batang filmmakers na may edad 15-30 katuwang ng The United Nations Children’s Fund o UNICEF.
Malaki naman ang pagkakilala ng mga artista ang proyektong ito ng FDCP.
Mapapanuod ang walong opisyal na kalahok sa PPP simula ngayong August 15- 21 sa mga sinehan nationwide.